Lunes, Setyembre 12, 2011

Si Crush



[ Cherry Rose Macalino ]

Si CRUSH?. Cherry Rose Macalino, yan ang pangalan niya :') :')
Nakita ko s'ya noong Acquaintance party ng cfy's. Nakita ko syang palabas sa pinto, uwian na noon pero bute nalang madaming lumalabas kaya matagal ko pa syang natititigan. nakita nya akong nakatitig sakanya pero hindi ko pinansin, patuloy parin pagtitig ko sa kanya. Grabe, "ang ganda nya", yan ang nasa aking isipan noon habang tinititigan ko sya. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Nagising lang ako sa katotohanan noong nakalabas na sya. nagsisi ako, sabi ko sa aking sarili "hindi ko lamang sya nilapitan at nagpakilala". napa tameme kasi talaga ako haha.Simula noon nag search na ako ng mga bagay tungkol sa kanya. Nalaman kong "B.A." sya at nakapag send na ako ng friend request sa kanya sa FaceBook ngunit hindi parin nya inaaccept, nakakalungkot. Gustung-gusto ko syang makita pero bakit ganun sabi ko. Ang tagal bago ko sya nakita ulet. nakita ko sya sa Cas Main last week, September 8 2011. At muli,, akoy natameme nalang at di nakakilos. Nakakaasar!! haha. Pero ayos lang. Nasa iisang Unibersidad lang naman kami e, kaya sigurado ako magkikita ulit kame at hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na iyon para makipag kilala sa kanya.
Sigurado ako mabait sya at madaling pakisamahan, sabik na akong makilala sya't maging isang kaybigan.

Ako Bilang Isang Bagay

[ KrayoLa ]

Inihahalintulad ko ang aking sarili sa krayola.
Para saakin krayola dahil, pag dumating ako sa buhay mo, hindi ko maipapangakong
ako ang maging sanhi ng iyong kasiyahan, pwedi rin akong maging sanhi ng iyong lungkot. Tulad na lamang ng pag kulay sa iyong mga drinodrawing. Pweding hindi bumagay ang iyong napiling kulay para sa partikular na bagay na iyong kukulayan. Tulad nga noon, maaring hindi ako ang tamang kaibigan o kung ano pa man na dapat magbigay kulay sa iyong buhay. Pero atleast diba? sinubukan kong kulayan ang iyong buhay kahit pangit ang kulay na iyong napili. At sa kabilang bahagi. Sana ako nga ang tamang krayola na makakapag bigay ng kulay sa iyong buhay .

Ang Aking Pamilya


[ BACANi JOSON ]

Ma. Victoria Bacani Joson, sya ang aking pinaka masipag, mapag mahal, hindi marunong sumuko na ina. Hindi ko man sya nakasama ng matagal, alam ko para sa amin lahat ng sakripisyong ginawa nyang iyon. Nasabi kong hindi namin sya nakasama ng matagal o sa pag laki, dahil naghiwalay sila ni itay at kailangan nyang mangibang bansa ng napakatagal para matustusan ang mga pangangailangan namin ni kuya. Sobra ang hirap na niranas nya para lang mapalaki kame ng maayos. Mahal na mahal ko ang aking nanay . At si James Rommel Bacani Joson naman. Sya ang aking nakakatandang kapatid. The best brother, syempre nag-iisang kapatid e. hm, mahal na mahal ko rin ang isang to kahit na medyo loko loko. Ayus nga e. haha.Pasaway to. Medyo natutulad na nga rin ako sa kanya e. haha. Ayun, Masaya na kame ngayon kahit d buo pamilya namen. Mas masaya ako kahit ganito. Yun lang.



Tungkol Sa Aking Sarili

Marami ang nagsasabi na akoy lubos na nilang kilala ngunit di nila alam kung sino nga ba talaga ako sa kabila ng kanilang nakikita. Ano nga ba ang aking naging simula? Sino nga ba ako? Ako ang pangalawang anak nila Ma. Victoria at Jay-Rommel Joson. Ako si Antoinne, Bingbong sa kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan, Byel naman para sa karamihan ng nakakakilala sa kanya. Ipinanganak Ako sa Diosdado Macapag Arroyo Hospital, Pampanga. Sa aking pagsilang, naghatid ako ng labis na kasiyaan sa kanyang mga magulang.

Lumaki ako sa pangangalaga at pagmamahal ng aking Lola Mila sa Guagua, Pampanga. Lumaki ako kasama ng aking kuya’t mga pinsan. Naranasan kong maglaro sa bukirin, naranasan kong maligo sa ilog, naranasan ko ang simpleng buhay na sa lungsod ay tila imposible. Isa sa mga pinakamasasayang alaala ang ibinigay sa skin ng aking pananatili sa probinsya. Naalala ko pa ang sking pag-akyat sa mga puno ng aking tita, ang pagpapalipad ng saranggola sa likod ng bahay, ang pagbabahay-bahayan, ang paglalaro ng mga larong Pilipino kasama ng mga batang di ko naman talaga kilala. Siguro sa pananatili ko rin doon, natutunan kong mahalin ang kalikasan. Sa bayan ding ito ako nag-aral  hanggang sa unang baytang ng elementarya, sa Natividad Elementary School. Sa mga kadahilanang di na ilalahad, kinailangan kong lumipat ng pag-aaral sa ibang eskwelahan, sa St. Michaels College, kasama ang aking nag-iisang nakatatandang kapatid, si James Rommel. natutunan kong makasanayan ang bagong mundong ginagalawan. Nagtapos ako ng elementarya sa Dominican School na nilipatan ko ulit . Sa pagtungtong sa mataas na paaralan  sa Dominican High School. Lubhang napakalaki ng naging papel ng eskuwelahang ito sa aking pagkahubog bilang isang tao. Dito ko nakilala ang mga taong naging inspirasyon ko. Sa eskuwelahang ito nabuo ang aking mga prinsipyo at mga pangarap. Bukod sa napakaraming mga baggong kaalaman, dito ko natutunan ang pakikipagkapwa at pikikisama sa mga tao. Sa paaralang ito din ako unang tunay na umibig. Bilang isang estudyante, naging aktibo ako sa mga gawaing pang eskuwela, sumulat sa opisyal na dyaryo ng eskuwela at naging isa sa mga tagapagtaguyod ng Civics Club sa makabagong pamamalakad. Sa pagtatapos ko noong taong 2009, napagdesisyunan kong kumuha ng kursong Information Technology bilang paghahanda na rin sa sking pangarap, Nakakatuwang isipin na ang layo na pala ng aking narating, mula sa pagiging isang sutil na bata na nakukuha ang lahat ng gustuhin, nandito na ako, isang lalakeng nagnanais ng kabutihan para sa nakararami lalo na sa aking pamilya. Di nya matatawag ang aking sarili bilang isang simpleng tao. Marami akong mga panagarap na maari sa iba’y malayo sa riyalidad. Nais kong magsilbi, nais kong mag bigay ligaya, nais kong magligtas ng mga buhay. May paniniwala akong di kailangang mamuno upang makapagsilbi, ang kabukalan sa kalooban ng paglilingkod ang mas mahalaga. Isa akong taong may prinisipyo na kahit ano pa man ay aking paninindigan. Bagamat tahimik di ibigsabihin ay walang pakialam. Ako ang taong mapagkakatiwalaan, ang kaibigang dadamayan ka sa hirap man at ginhawa. Kahit na mabilis akong magalit, magtampo at umiyak, di ako ganoon kahirap magpatawad, ngunit sa pagkakataong pamilya ko na ang nasasaktan, kaya kong kalimutan kahit ang sariling kapakanan maipagtanggol lamang sila. Bilang isang indibedwal, medyo, medyo lang ha. binibigyang importansya ko ang oras, kaayusan at kalinisan.

Yan ako. Sa iyong pagbabasa ng aking maikling talambuhay may nalaman ka tungkol sa akin. Ngunit sa kasamaang palad di ito ang lahat. Kung akoy iyong pakikisamahan marahil sa pagkakataong iyon, tunay mo na nga akong makikilala.