Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ang Sining Ng Aking Pangalan



[ Antoinne Viel Bacani Joson ]

A- koy isang hamak na tao lamang
N- a hinaharap ang mga problemang nag-aabang
T- ungo sa mga pangarap kong gustong makamtan
O- bra maestra ng D'yos na may lalang
I- binibigay lahat ng makakaya magbago lamang
N- a magdudulot sa akin ng magandang kinabukasan
N- ang magampanan ang mga bagay na sa akin ay nakalaan
E- stado ng buhay ay di kagandahan, Ngunit nag bibigay sa akin ng katatagan .

Para kay Sir. Jayson V. Sobrevilla


[ Sir Jayson Valenzuela Sobrevilla ]

Sir !! :D
Musta pu ba? Salamat po Ha? sa Lahat ng itinuro nyo. Hindi lang tungkol sa Filipino ang naituro ninyo sa amin sir.. Marami pang iba. Ito ay ang mga bagay na tumulong magpabago sa amin bilang estudyante.Hm. May naririnig akong mga news sir aa? Aalis ka na daw pu ata?. Wag naman sana. Ay, Belated Happy Birthday nga po pala. Stay young and kind . Nako naman wala na po akong masabi eh. Parang lihan narin po kasi para sa inyo itong BLOG na ito. ang saya pong gumawa ng blog. hehe, naiishare halos lahat ng gusto mong sabihen. The best Filipino teacher pu talaga kayo fir me. Ingat Lagi Sir ha?.  Masaya po akot ikaw ang naging guro ko for this sem.

Ang Aking Mga Karanasan Sa Filipino 110

[ Filipino 110 ]

Karanasan, karanasan .. Unang una nagpapasalamat ako sa mga bagay na dinanas ko ng dahil sa Filipino 110 na ito. Tinuruan ako ng Filipino110, ni Sir. Jayson Sobrevilla. Na mailabas ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng pag-sulat. na kahit papaano ay may sense. Naranasan ko dito ang pagbibigay ng ideya sa mga kasama ko tuwing may group activity. Naranasan ko rin dito na gumawa muli ng isang MTV. Kasama ang mga taong hindi ko lubos na kakilala't hindi kayang kausapin. Pero may mga kasama rin naman ako na kilala ko na dati pa. At isa ito sa naging daan para sa pagbabawas ng sobrang pagkamahiyain ko. Naging daan ang Filipino110 upang lubos kong maiexpress ang sarili ko sa iba. Naranasan ko rin dito yung feeling na lahat ng kaklase mo ay sumasagot sa mga tanong pagdiscussion kaya dapat may maisagot ka din sa oras na ikaw na ang tatawagin. Nakaka- Challenge kumbaga. Natuturuan ka nitong mag-aral ng mabuti't magseyoso ng lubusan na minsay hindi ko naman ginagawa. Unti-unti akong minulat nito sa katotohanan . At ito ay dahil sa mga karanasang ibinigay sa aking ng Filipino110.

Si P-NOY Para Sa Mga PiNOY



[ Pinoy ]

Noon, Noong mga araw ng pangangampanya't eleksyon. Si Noynoy na talaga sa tingin ko ang makapagbabago sa ating bayan. Siguro karamihan din sa inyo ay iyon ang iniisip. Pero Ewan ko ba kung bakit hindi ko maramdaman na umaayos, simula nang maupo sa sa "TRONONG" iyan. Siguro maaga pa para husgahan natin s'ya ng masasamang salita. Sa aking mga naririnig na komento sa iba, ayaw nila si P-NOY para sa mga pinoy. Pero bat hindi natin intindihin na hindi naman bigalaan na lamang uunlad ang pilipinas ng ganoon kadale. Binoto sya ng nakararami, sa naman magtiwala ang nakararami na iyon kaysa siraan agad. Kasalanan din natin kung sa "FUTURE" hindi nya magawang mapaunlad ang Pilipinas gaya ng inaasahan natin. Nagtiwala tayom sya ang pinili natin kaya wag ibunton sa kanya ang lahat ng pagkakamali. Sa halip, simulan mo nalamang sa iyong sarili ang pagbabagong iyong hinahangad para naman kahit papaano ay hindi ka ganon naging bigo sa pagbibigay ng posisyong iyon kay P-Noy. " P-NOY Para Sa Akin " :DD

Ang Awit Ng Aking Buhay

     

[ Bat Country ]

Ito ang awit ng aking buhay, Medyo tumutugma kasi ito sa aking mga iniisip tuwing darating nanaman ang mga prolema. Hindi na nawalan ng problema. Nadadagdagan pa. Bute nakakasurvive pa kahit papaano. Pero alam ko hindi lang ako ang dumadanas ng mga ganitong pangyayari. Pero hindi ko mapigilang isipin minsan na bakit ba " We'd Rather Live than Die " . Na isipin kung anu nga bang susunod sa kamatayan. Ito ba ay umpisa muli o katapusan na talaga. at minsan pinipilit ko na lamang magpakamanhid para hindi na maramdaman ang hirap pero ganun talaga. No pain, No gain gna daw di ba? :DD

Konting Lyrics Ng Awit ng aking Buhay:

He who makes a beast out of himself Gets rid of the pain of being a manMy confidence is leaving me on my ownNo one can save me and you know I don't want the attentionAs I adjust to my new sights The rarely tired lights will take me to new heights My hand is on the trigger I'm ready to ignite Tomorrow might not make it but everything's all rightMental fiction follow me Show me what it's like to be set free
Sometimes I don't know why we'd rather live than die We look up towards the sky for answers to our lives We may get some solutions but most just pass us by Don't want your absolution รข€˜cause I can't make it right.

Sampung Taon Mula Ngayon, Heto Na Ako

           

       Sampung taon mula ngayon, ano na nga ba kaya ako sampung taon mula ngayon? Marahil, sa mga oras na iyon ay akoy nagtatrabaho na't naghahanda para sa pagkakaroon ng pamilya. Marahil akoy isa nang bihasang programmer at isang call center agent. Marahil akoy isang nakapagpundar na noon ng sariling sasakyan at sinusuklian na ang hirap na tiniis ni ina sa pag-papaaral sa akin. at sa mga oras na iyon ay halos nakamit ko na ang mga bagay na nais ko. mga bagay na hindi ko magawa dati, mga bagay na hindi ko pa makuha. Para sa akin ito nadin ang tapang panahon para magdisisyon na magkaroon na ng isang pamilya. Dahil gusto ko kapag magkakaroon na ako ng pamilya ay mayroon na talagang pang gastos para maiwasan ang pagkagipit kung sakali mang may mga problemang nangyayari. Ito ako sampung taon mula ngayon.

Lunes, Setyembre 12, 2011

Si Crush



[ Cherry Rose Macalino ]

Si CRUSH?. Cherry Rose Macalino, yan ang pangalan niya :') :')
Nakita ko s'ya noong Acquaintance party ng cfy's. Nakita ko syang palabas sa pinto, uwian na noon pero bute nalang madaming lumalabas kaya matagal ko pa syang natititigan. nakita nya akong nakatitig sakanya pero hindi ko pinansin, patuloy parin pagtitig ko sa kanya. Grabe, "ang ganda nya", yan ang nasa aking isipan noon habang tinititigan ko sya. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Nagising lang ako sa katotohanan noong nakalabas na sya. nagsisi ako, sabi ko sa aking sarili "hindi ko lamang sya nilapitan at nagpakilala". napa tameme kasi talaga ako haha.Simula noon nag search na ako ng mga bagay tungkol sa kanya. Nalaman kong "B.A." sya at nakapag send na ako ng friend request sa kanya sa FaceBook ngunit hindi parin nya inaaccept, nakakalungkot. Gustung-gusto ko syang makita pero bakit ganun sabi ko. Ang tagal bago ko sya nakita ulet. nakita ko sya sa Cas Main last week, September 8 2011. At muli,, akoy natameme nalang at di nakakilos. Nakakaasar!! haha. Pero ayos lang. Nasa iisang Unibersidad lang naman kami e, kaya sigurado ako magkikita ulit kame at hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na iyon para makipag kilala sa kanya.
Sigurado ako mabait sya at madaling pakisamahan, sabik na akong makilala sya't maging isang kaybigan.