[ Filipino 110 ]
Karanasan, karanasan .. Unang una nagpapasalamat ako sa mga bagay na dinanas ko ng dahil sa Filipino 110 na ito. Tinuruan ako ng Filipino110, ni Sir. Jayson Sobrevilla. Na mailabas ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng pag-sulat. na kahit papaano ay may sense. Naranasan ko dito ang pagbibigay ng ideya sa mga kasama ko tuwing may group activity. Naranasan ko rin dito na gumawa muli ng isang MTV. Kasama ang mga taong hindi ko lubos na kakilala't hindi kayang kausapin. Pero may mga kasama rin naman ako na kilala ko na dati pa. At isa ito sa naging daan para sa pagbabawas ng sobrang pagkamahiyain ko. Naging daan ang Filipino110 upang lubos kong maiexpress ang sarili ko sa iba. Naranasan ko rin dito yung feeling na lahat ng kaklase mo ay sumasagot sa mga tanong pagdiscussion kaya dapat may maisagot ka din sa oras na ikaw na ang tatawagin. Nakaka- Challenge kumbaga. Natuturuan ka nitong mag-aral ng mabuti't magseyoso ng lubusan na minsay hindi ko naman ginagawa. Unti-unti akong minulat nito sa katotohanan . At ito ay dahil sa mga karanasang ibinigay sa aking ng Filipino110.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento